Sunday, May 13, 2018

DRUGLORD CEBU MAYOR VICENTE LOOT lNAMBUSH!




Cebu Mayor Vicente loot at ang ilan pang miyembro ng kanyang pamilya nakaligtas sa pananambang.

Ayon sa ulat ng otoridad, kararating lang sa Isla ng Malapascua ang pamilya ni Loot nang sila ay tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan.

Kasama ni Mayor Loot ang kaniyang asawa na si Vice Mayor Malou Loot at ang kanyang anak na board member na si Shun Simora. Kasama rin niya ang ilan pang miyembro ng kaniyang pamilya nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Matatandaang isa si Vicente Loot sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga sa lalawigan at kasama sa listahan ng mga narco-politicians.

Si Loot ay dati ring heneral ng Philippine National Police (PNP).



No comments: