Wednesday, September 19, 2018

Pangulong Rodrigo Duterte, may sagot kay dating COA Commissioner Heidi Mendoza




Pangulong Rodrigo Duterte, may sagot kay dating COA Commissioner Heidi Mendoza
Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza.
Ito ang naging tugon ng Pangulo sa pagpuna ni Mendoza sa mga pahayag niya tungkol sa government procurement process.
Sa kanyang mensahe sa panunumpa ng mga opisyal ng Liga ng mga Barangay, sinabi ng Pangulo na hindi dapat siya tinuturuan ng dating COA commissioner dahil mas nauna siya sa pag-iintindi sa mga proseso sa gobyerno.
Dito rin, ay muling inulit ng Pangulo ang nauna na niyang habilin sa mga lider ng lokal na pamahalaan ng mga nasalanta ng bagyong Ompong na unahin na muna ang pagbibigay sa mga pangangailangan ng mga Pilipino at saka na lamang intindihin ang COA.
Giit ng Presidente, kung sakaling magkaroon ng problema ay siya mismo ang sasagot sa Commission on Audit.

No comments: