Sunday, November 18, 2018

DUTERTE KAY TRILLANES: BE CAREFUL SA PARTIDONG MAGDALO PARANG ISIS ANG M...

watch the video here:



Nagbabala sa publiko si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-ingat sa partidong Magdalo, partido nina Senator Antonio Trillanes IV at Rep. Gary Alejano, dahil ito umano ay tila ISIS sa pulitika.

Ayon kay Pangulong Duterte nitong Biyernes sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea, “Be careful with Magdalo. Be careful of ‘yang partidong Magdalo. Ito ‘yung mga rebeldeng sundalo na nagkalat diyan sa Makati pati sa Peninsula Hotel. And they destroyed everything, parang ISIS ang mga buang.”


Dagdag pa ng Pangulo, ang mga miyembro umano ng naturang partido ay walang alam kundi ang pumatay, manghamon at mangbastos.

“Be careful again with military lalo na ‘yang mga rebelde tapos na-rehab because they were extended pardon by Aquino (former President Benigno III].


Ang Magdalo Para sa Pilipino Sectoral Party Organization o mas kilala bilang Magdalo Party-List ay isang political party na kumakatawan sa mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang mga pamilya, kabataan at mga mahihirap sa Kamara.

Nabuo ito noong Hulyo 27, 2010 at kasalukuyang pinamumunuan ni Senator Trillanes.

No comments: