Tuesday, November 27, 2018

PRES DUTERTE BUBUO NG ARMADONG UNIT NA PUPULBOS SA MGA REBELDENG NPA!

watch the video here:







Gagamiting pantapat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bubuuin niyang sparrow like unit na Duterte Death Squad laban sa hit squad ng New People’s Army (NPA).

Tiniyak ng Pangulo na sibilyan ang bubuo sa kanyang armadong unit.

Anito, walang ibang gagawin ang mga miyembro ng Duterte Death Squad kundi ang bantayan ang mga istambay at galaw ng mga NPA members.





Sinabi pa rin niya na kuntento na siya kung makapapatay ang kanyang DDS ng isang rebelde o makapag identify ng kalaban.

Tatapatan aniya niya ang talento ng NPA na walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng tao at eksperto sa assasination.

“Mag-create ako ng Sparrow. Duterte Death Squad against the Sparrow. I will create my own Sparrow walang hanapin kundi mga istambay na mga tao prospective NPA’s at bibirahin sila,” pahayag nito.





Samantala, patuloy niyang pinagsusumikapan na isulong ang kapayapaan.

Iyon nga lamang ay patuloy namang pinapatay ng NPA ang mga pulis at sundalo.

No comments: