Sunday, December 30, 2018

WATCH: NAKAKAGULAT NA BALITA DECEMBER 31 2018 PRES DUTERTE l FRANCE CASTRO l SEC LORENZANA l TYPHOON USMAN

watch the video here:








Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pamamahagi ng 6,000 Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo (ARBs) ng Probinsiya ng Cotabato sa isang seremonya sa Provincial Gymnasium, Capitol Compound sa Kidapawan City, Cotabato noong Disyembre 29, 2018.

Ang pamamahagi ng mga CLOAs ay naglalayong pagbutihin ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa pagpapagaan ng kahirapan at pagsiguro ng seguridad sa lupa para sa mga ARBs.

Hindi matatapos ang giyera hangga’t hindi naipapatupad ng gobyerno ang tunay na reporma sa agraryo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pangunahan ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka sa Kidapawan City sa North Cotabato.




Sinabi ng Presidente na ito ang dahilan kaya pinabibilisan nito sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng titulo sa mga magsasakang dapat na mabigyan ng sariling lupa.

“Ang sinabi ko noon, hanggang walang lupa ang tao at hindi talaga ma-implement ang land reform, walang katapusan itong giyera. Walang manalo, walang talo dito. Ang capital dito, what is invested there is blood and life,” anang Pangulo.

Mahigit anim na libong magsasaka ang naging benepisyaryo ng land reform at tumanggap ng CLOA sa Cotabato.




Sinabi ni Pangulong Duterte na iniutos na niya kay Secretary John Castriciones na isailalim sa land reform ang lahat ng lupa ng gobyerno bago matapos ang kanyang termino.

Kasama na rin dito ang lupa ng mga haciendro mula sa Quezon, Bicol at Negros na hanggang ngayon ay tumatanggi pa ring sumunod sa land reform program ng gobyerno.

No comments: