watch the video here:
Itataas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sahod ng mga public school teachers ngayong taon.
Ito ang pangako ni Pangulong Duterte sa idinaos na Groundbreaking of Gen. Gregorio Del Pilar National High School and Unveiling of Proposed Pandi National High School (VIRGINIA RAMIREZ-CRUZ HIGH SCHOOL EXTENSION) sa Gen. Gregorio Del Pilar Elementary School Compound, Brgy. Sta. Ana, Bulakan, Bulacan.
Sa katunayan, inatasan na niya si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na bilisan ang pagsasaayos ng mga kaukulang dokumento para sa taas sahod ng mga guro.
Nagkausap na rin aniya sila ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa nasabing pondo na kailangan para sa salary adjustment ng mga public school teacher.
“I am willing to strike a deal in the presence of Secretary Briones sa mga maestra. You can choose the date January, bilisan lang ninyo then we can make even an agreement or manifesto or choose whatever kind of document, kayo ang isusunod ko this year, Nanay ko teacher. Ako ba naman magloko sa inyo but I was talking to Diokno at the year end to find out how things are, could we afford,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, inimbitahan ng Pangulo ang mga guro na pumasyal sa Malakanyang.
Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan na legal na guro at hindi ang mga guro na miyembro ng mga makakaliwang grupo ang pupunta sa Malakanyang.
No comments:
Post a Comment