Tuesday, January 29, 2019

WATCH: PRESIDENT DUTERTE POWERFUL SPEECH TO NPA ABU SAYAFF ARRE$T AND DESTR0Y THEM ALL!

watch the video here:









Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Armed Forces of the Philippines na pulbusin at tuluyang durugin ang Sayyaf Group matapos nitong bisitahin ang lugar nang pinangyarihan ng twin bombing sa Jolo, Sulu.

“I ordered you to destroy the organization. I’m ordering you now: pulpugin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means,” ayon kay Commander-in-Chief.

Ang mandatong ibinigay ng Punong Ehekutibo sa tropa ng pamahalaan ay bunsod ng pag-amin ng Abu Sayyaf, local counterpart ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na sila ang nasa likod ng nasabing twin bombings.





“Ang gawin ninyo, sabihin ninyo pagka-bobombahin mo ‘yang lahat…paalisin mo iyong mga tao. Paalisin mo ‘yung mga tao, ilagay mo dito kung saan ako…ako ang maggastos ng pagkain…lahat. Tapos plantsahin ninyo ng bala,” ani Pangulong Duterte.

“Our duty is to protect the Filipino people. And second is that we have to preserve the nation. ‘Pag nawala iyang Jolo, maski isang island diyan, well, we have failed in our mission to preserve the territory of the Republic of the Philippines,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Labis ang galit ng Pangulo sa nasabing terrorist attacks kung saan ay sinabi nito na sa kabila ng presensiya ng rebeldeng grupo gaya ng Moro National Liberation Front of Nur Misuari sa Jolo, ang mga Kristiyano at Joloanos ay patuloy na mamumuhay ng mapayapa.





“Meron tayong mga rebelde kagaya nila Nur Misuari…Murad…pero ang rebolusyon ho nila is territorial. Unlike the Abu Sayyaf, the group has “no ideology” and declared loyalty to the “evil movements” of ISIS,” aniya pa rin.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana, inihayag mismo ni Pangulong Duterte ang nasabing kautusan sa harap ng mga sundalo kasabay ng pagbisita nito sa Jolo Sulu matapos ng nangyaring pagsabog doon.

Aniya, inatasan sila ng Pangulo na habulin ang grupong nasa likod ng pag-atake at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng insidente.






Samantala, sinabi ni Jolo Mayor Kherkar Tan na nagkasa na ng manhunt operations ang pulisya laban sa apat na lalaking nakunan ng CCTV bago ang pagsabog sa cathedral at itinuturing na persons of interest.

Isinasantabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng madugong pagpapasabog sa Jolo Sulu.

Ito ay matapos na akuin ng ISIS ang nangyaring kambal na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral kamakalawa.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Edgard Arevalo posibleng bahagi lamang ng propaganda ng ISIS ang ginawa nitong pag-ako sa nasabing madugong pagsabog.






Aniya, dati nang ginagawa ng ISIS ang pagkukunwaring sila ang may pakana sa ilang mga nagaganap na insidente tulad ng nangyari noon sa Resorts World.

Batay sa post ng website na site intelligence group, inamin ng Islamic State East Asia Province na dalawa nilang miyembro umano ang nasa likod ng suicide bombing sa cathedral sa Jolo.

No comments: