Friday, March 15, 2019

WATCH: BREAKING NEWS TODAY MARCH 15 2019 2M REWARD MAKAPAGTUTURO SA KILLER NG GRADE 9 STUDENT!

             

               watch the video here:






WATCH: "BREAKING NEWS TODAY MARCH 09 2019"

#Breaking Pabuya sa makapagtuturo sa killer ng Grade 9 student, P2M na! Tumaas na sa P2 milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng anumang impormasyon para maaresto ang tatlong suspek sa pagpatay kay Chirstine Lee Silawan.

WATCH ▼ 👍LIKE AND 👉I-SHARE NATIN MGA KABABAYAN PARA MALAMAN NG LAHAT!

Tumaas na sa P2 milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng anumang impormasyon para maaresto ang tatlong suspek sa pagpatay kay Chirstine Lee Silawan.




Ito ay matapos magbigay si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino ng P100,000 cash reward para sa kung sinumang makapagtuturo sa killer ni Silawan.

Magdadagdag din ani Dino ng karagdagan pang P100,000 si Philpost Chairman Norman Fulgencio.

Binigyang diin ni Dino na ang idadagdag nilang cash reward ay galing sa sarili nilang bulsa.

Nauna nang naglaan na ng P1 milyong halaga ng pabuya ang Lapu-Lapu city government para sa ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pamamaslang at pagtuklap sa mukha ng 16-ayos na Grade 9 student, natagpuang patay sa bakanteng lote noong Lunes sa Lapu-Lapu City, Cebu.




Dinagdagan din ito ng P100,000 ng Advisory Council ng Police Regional Office -7 habang nagbigay pa ng P500,000 ang isang hindi na nagpakilalang dayuhan na nakatira sa Leyte.

Magbibigay rin ng P200,000 ang Provincial Council for the Welfare of Children.

Umaasa si Dino na ang naipon na pabuya ang magbibigay ng hustiya sa pagkamatay ni Silawan.



No comments: