watch the video here:
WATCH: "BREAKING NEWS TODAY APRIL 2 2019"
-Bansang Russia handang tulungan ang pagsugpo ng terorismo sa bansa at hinimok ang mga Pilipino na subukan magtrabaho sa Russia.
-China, naniniwalang political agenda ang motibo ng reklamo sa ICC ng mga dating opisyal ng pamahalaan
Naniniwala ang China na agendang politikal ang motibo sa likod ng ginawang pagsampa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping, ng mga dating opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC).
Sa courtesy call ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa Malacañang ngayong hapon, sinabi nito na posibleng target ng hakbang na ito ang liderato ng China kaya’t naniniwala sila na hindi angkop ang aksyong ito.
Una na rin aniyang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang pamahalaan sa pagsasampa ng reklamo laban sa Chinese President.
Ayon kay Jianhua, bukod sa fabricated ito, ay mali ang paraan ng paggamit sa mandato ng ICC, kaya’t naniniwala sila na hindi uusad ang isinampang reklamo.
-China, nilinaw na mga mangingisdang Chinese ang nasa Pagasa Island at hindi militar
Nilinaw ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na mga mangingisdang Chinese at hindi mga militar ang sakay ng mga napaulat na Chinese vessels na namataan sa Pagasa island.
Sa pagtungo ni Jianhua sa Malacañang upang mag-courtesy call kay Secretary Salvador Panelo, sinabi nito na tulad ng mga Pilipinong mangingisda mayroon rin silang mga kababayan na nangingisda sa lugar.
Gayunpaman, kailangan muna nilang i-verify kung totoong nasa higit 200 ang bilang ng mga Chinese vessel doon na una nang napaulat.
Sa usapin naman kung hinaharang ba o itinataboy ng mga ito ang mga Pilipinong mangingisda, sinabi ni Jianhua na una na rin itong pinabulaanan ng pamahalaan ng Pilipinas.
Bagamat kapwa aniya may concern ang mga mangingisdang Pilipino at Chinese sa lugar kung hanggang saan lang dapat nangingisda ang magkabilang panig, tiniyak ni Jianhua na lahat ay may kalayaang makapangisda.
Kaugnay nito, sinabi ng Chinese Ambassador na ang gobyerno ng Pilipinas at China ay pinag-uusapan ang mga issue na ito sa maayos at diplomatikong paraan kaya’t walang dapat ikabahala na mayroong uusbong na di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa.
No comments:
Post a Comment