watch the video here:
Makararanas ng pansamantalang kalayaan ang dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos matapos siyang payagang makapagpiyansa ng Sandiganbayan ngayong Biyernes.
Pinayagan ni Fifth Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos si Mrs. Marcos na makapagpiyansa ng P150,000.
Gayunpaman, nilinaw ni Lagos na ang piyansa ay magiging epektibo lamang hangga’t hindi pa hinahatulan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Marcos sa pagkakaroon ng post conviction remedies.
“We will order her to post bond in the original bond. It’s about P150,000,” ayon kay Lagos.
Inatasan muna si Mrs. Marcos, 89-anyos, na manatili sa Sandiganbayan hanggang maaprubahan ang bail bond.
Nitong ika-9 ng Nobyembre, hinatulanng guilty ng Sandiganbayan si Mrs. Marcos sa pitong bilang ng graft dahil sa kaniyang pagpapanatili ng Swiss-based foundations noong rehimen ng kanilang pamilya.
Hindi dumalo sa promulgation ng kaniyang kaso si Mrs. Marcos ngunit siya ay nakitang dumalo sa birthday party ng kaniyang anak na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ginanap sa kaparehong araw.
Sa mosyon na ipinasa sa Fifth Division noong ika-12 ng Nobyembre, sinabi ni Marcos na hindi niya intensyong bastusin ang Sandiganbayan at sinabing hindi lamang siya pinayagan ng kaniyang doctor na dumalo sa promulgation para maiwasan ang stress.
Inilagay ni Mrs. Marcos ang kopya ng kaniyang medical certificate na pirmado ng kaniyang neurologist na si Dr. Joven Cuanang ng St. Luke’s Medical Center na nagsasabing ang dating Unang Ginang ay mayroong pitong sakit.
Kabilang sa mga sakit ni Mrs. Marcos ay ang Diabetes Mellitus Type 2, Hypertension and Atherosclerotic Cardio Vascular Disease, Static Ministrokes dahil sa cerebral scars mula sa nakaraang surgery, Moderately Severe Sensorineural Hearing Loss, Chronic Recurrent Urinary Tract Infection, Chronis Recurrent Gastritis at Multiple Colon Polyps, at Recurrent Respiratory Tract Infection.
Si Mrs. Marcos ay tumatakbo bilang gobernador ng Ilocos Norte sa susunod na taong eleksyon.
No comments:
Post a Comment