TINGNAN | Sumailalim na sa booking procedure sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro. Nakulong sila noong Miyerkules sa Talaingod Police Station sa Davao del Norte dahil sa "illegal transportation of minors." 📸: Chief Insp. Jason Baria, PRO-11
Isinailalim na sa booking procedure sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kasama ang iba pang sangkot sa kasong kidnapping at human trafficking dahil sa umano’y iligal na pagbibitbit sa mga minor sa Davao del Norte.
Kabilang sa mga isinampang kaso ang paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, Kidnapping and Failure to Return a minor.
Miyerkoles, alas-10 ng gabi (Nobyembre 28, 2018) nang harangin sina Ocampo at Castro kasama ang 15 iba pa sa isang checkpoint sa bayan ng Talaingod.
May nakarating kasing impormasyon sa mga awtoridad na may dala umanong nasa 14 na menor de edad mula sa Salugpungan School ang grupo.
Ayon sa hepe ng Women and Children’s Protection Desk ng Davao del Norte Provincial Police na si Sr. Insp. Alarene Fulache, bigo ang grupo na makapagpresinta ng dokumentong nagpapatunay na pinayagan ng mga magulang ang mga isinama nilang mga menor de edad.
Itinurn over na ang mga menor sa social welfare department para sa counseling at debriefing.
Paliwanag ng ACT Teachers partylist na maghahatid lamang sila ng mga school supply at pagkain sa komunidad bilang parte ng kanilang “National Solidarrity Mission.”
No comments:
Post a Comment