“Praise the Lord” – reaksyon ni Espenido sa utos ng Pangulo na ibalik siya sa Ozamiz
“Praise the Lord.”
Ito ang tanging reaksyon ni CInsp Jovie Espenido sa isang interview nang hingan ng reaksyon sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik siya sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ang pag re-assign kay Espenido pabalik sa Ozamiz ay ipinag-utos ng Pangulo kagabi sa kanyang pagbisita sa siyudad, sa pamamagitan ng isang tawag kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Positibo namang tinugunan ng PNP Chief ang utos ng Pangulo at sinabing “yes sir.”
Si Espenido ay kasalukuyang naka-assign sa Eastern Visayas, matapos na una itong inilipat sa Catanduanes.
Magugunitang si Espenido ang nanunungkulang Chief of Police ng Ozamiz nang mapatay si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr., na isa umanong high-value drug target noong July 30,2017 matapos manlaban daw sa pagsilbi ng search warrant ng mga pulis.
Si Espenido rin ang Chief of Police ng Albuera, Leyte, nang mapatay din si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., na ama ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa, noong October 2016 sa isang police operation.
No comments:
Post a Comment