Wednesday, December 5, 2018

Indigenous People Leader gustong ipakulong sina Satur Ocampo at Rep France Castro sa kasong pangingidnap

watch the video here:


Hindi na pahihintulutan ng mga katutubo sa Mindanao na magtayo ng mga Salugpungan Learning Centers sa kanilang mga komunidad.

Sa pagbisita ng mga katutubo sa Camp Aguinaldo ngayong umaga, sinabi ni Datu Joel Unad ang chairman ng Mindanao Indigenous People Conference For Peace and Development na bumuo sila ng isang resolution na nakapaloob ang kanilang mga kagustuhang pagbabago sa kanilang patakaran.



Ito ay kasunod ng insidente ng umano’y pangingidnap ng grupo ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa mga menor de edad na mga anak ng mga katutubo sa Talaingod, Davao Del Norte.

Dahil dito, gusto nila na mapahinto na ang operasyon ng 73 Salugpungan Learning Centers sa CARAGA Region na nagagamit umano ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA) sa pagpapaniwala sa mga kabataang katutubo.

Bukod aniya sa pagbabawal ng pagtatayo ng Salugpungan Schools sa area ng mga katutubo, bawal na rin makapasok sa kanilang komunidad ang mga non-government orgazation at mga sundalo nang walang maayos na koordinasyon sa kanila.



Nanawagan naman ang grupo sa MalacaƱang na pansinin ang kanilang mga kahilingan, kundi’y sila mismo ang magdedeklara ng tribal war laban sa NPA.


TINGNAN: Paglutas ng mga katutubong mamamayan mula sa Mindanao na nagkukunwari sa mga paglabag sa mga karapatan ng IP at paglusot ng CPP-NPA at NDF sa loob ng kanilang ancestral domain.




No comments: