Wednesday, December 5, 2018

Bicol International Airport, matatapos sa taong 2020 ng Duterte Administration!






Tiniyak ni Albay 2nd District RepresentativeJoey Sarte Salceda na matatapos ang multi-billion Bicol International Airport sa Alobo, Daraga sa taong 2020.

Aniya, ito ang resulta ng hearing ng Transportation Committee sa Kongreso. Aabot sa halos P5-bilyon ang halaga ng proyekto.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Transportation (DOTr), sa pagdinig ukol sa konstruksiyon ng paliparan, umabot na sa 52% ang over all accomplishment sa proyekto.


Ang konstruksiyon ng Airstrip phase II ay 100 porsiyento nang tapos, konstruksiyon ng runway, taxi apron at perimeter fence phase III ay 100 porsiyento na rin, detailed engineering design, 52.50%, konstruksiyon ng landslide facilities, 47%, at ang passenger terminal building, 8%.

Binigyan-diin ni Salceda, na ang proyekto ay gateway ng Bicol sa iba’t ibang dako ng mundo. Magbubukas ito ng malaking oportunidad sa trabaho, negosyo at sa industriya ng turismo.

Dagdag pa ng mambabatas, malaki ang magiging papel ng proyekto sa pagsulong ng ekonomiya ng Bicol region.


No comments: