Saturday, December 1, 2018

Idedeport na ng Immigration ang Turkish na lalaki sa viral video na muntik sumagasa sa traffic enforcer



Ide-deport ang nag-viral na Turkish national na nakunan ng video na nakikipagtalo sa isang traffic enforcer sa Makati City.

Si Makati City Mayor Abby Binay ay naunang humingi ng deportasyon kay Ibrahim.

Sinabi niya noong nakaraang linggo: "Hindi namin tatanggapin ang disrespectful at abusive behavior ni Ibrahim. Wala siyang karapatang sumalakay sa isang opisyal na hiniling lamang na makita ang kanyang lisensya sa pagmamaneho. Ang kanyang pag-uugali ay arogante at hindi sibilisado

Ayon sa Bureau of Immigration Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., inimbestigahan nila agad ang status ni Yuksel Ibrahim matapos malaman ang pagkakasangkot niya sa insidente.

Napag-alaman na si Ibrahim ay isang ‘undesirable alien’, ilegal na nagtatrabaho sa bansa at overstaying.

Matatandaang tinangkang mag-drive ni Ibrahim kahit naka-ilaw pa ang stop light at sinaktan ang isang enforcer matapos hingin ang kanyang lisensya.

Kasalukuyang nasa detention center ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Ibrahim habang hinihintay ang kanyang deportation.

No comments: