Wednesday, December 12, 2018

PANOORIN: MALAKING SAMPAL ETO SA MGA DILAWAN APRUBADO NA ANG MARTIAL LAW EXTENSION SA MINDANAO HANGGANG DEC 31 2019

watch the video here:





#BREAKING: Ipinagkaloob ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Duterte na palawigin ang Martial Law sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon.

Ang Martial law ay mananatili sa Mindanao para sa isa pang buong taon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2019 matapos ipagkaloob ng Kongreso sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa huling pinagsanib na boto ng session, 235 senador at kinatawan ay para dito, 28 ay laban, at 1 abstained.
Ang mga senador na bumuto ng "YES" ay sina Tito Sotto, Gringo Honasan, Ping Lacson, Migz Zubiri, Richard Gordon, Cynthia Villar, Grace Poe, Koko Pimentel, JV Ejercito, Sonny Angara, Win Gatchalian, at Manny Pacuqiao. Ang mga senador na bumoto ng "NO" ay sina Chiz Escudero, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, at Risa Hontiveros, samantalang si Senador Ralph Recto ang nag-iisang "Abstain".
Sa House of Representatives, 223 ang bumoto para sa extension at 23 bumoto 'no.'


Pinasalamatan ng MalacaƱang ang mga mambabatas sa ginawa nitong pag-apruba sa hiling ng Chief Executive na mapalawig pa ng isang taon ang Martial law sa Mindanao. Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inihayag nitong makakaasa ang publiko nang malaking progreso upang masugpo ang nagpapatuloy na rebelyon sa rehiyon, at patuloy na maitaguyod ang pangkalahatang seguridad sa rehiyon. “Public safety demands decisive action from our President, whose primordial mandate is to protect and serve the people. Further, it is our shared responsibility to ensure the integrity of our nation, the security of our people and the sustained growth and development of Mindanao. With the continuation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, we expect to achieve substantial progress in addressing the persisting rebellion in Mindanao, as well as promoting the overall security and peace and order situation in the island,” ayon kay Sec. Panelo. Tiniyak naman ni Sec. Panelo na ang fundamental rights at kalayaan ng mga mamamayan sa Mindanao ay marapat lamang na igalang at ang uniformed services ay mangyaring mahigpit na ipatupad ang kanilang mandato. Sa kabilang dako, binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na mahalagang mapanatili pa ang martial law sa Mindanao dahil hindi pa ganap na nasusugpo ang rebelyon at karahasan sa rehiyon. Bukod dito’y siniguro din ng Palasyo na tatalima ang uniformed service sa kanilang mandatong bigyan ng proteksiyon ang taong bayan. Ito ay sa harap na rin ng layunin ng martial law para sa kapakanan ng mga taga–Mindanao. Nauna nang humarap si Executive Sec. Salvador Medialdea sa ipinatawag na Joint Session ng Kongreso para talakayin ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin muli ng isang taon ang martial law sa Mindanao. Sinabi ni Medialdea, bagama’t natapos na ang giyera laban sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City, may mga naiwan pang remnants ang mga terorista na nananatiling banta sa seguridad ng rehiyon. Kabilang aniya rito ang Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at New People’s Army (NPA). Nasa mahigit 2,000 pa umano ang kabuuang bilang ng mga rebeldeng tinutugis ng pamahalaan. Nilinaw naman ng Ehekutibo na walang budget allocation sa 2019 national budget para sa martial law extension.

No comments: