watch the video here:
Iginiit ni Pangulong Duterte na walang karapatan ang sinumang opisyal ng gobyerno na angkinin ang kredito sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagdating sa bansa ng tatlong kampana na tinangay ng mga Amerikanong sundalo noong 1901 at dinala sa Amerika at South Korea.
Sinabi ng Pangulo na ang mamamayang Filipino ang nagpauwi sa Balangiga Bells dahil sa marubdob na kagustuhang maibalik ang mga kampana na simbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipino na nakipaglaban sa mga Amerikano.
“Let me very clear here. The credit of the return of the Balangiga does not belong to any worker of the government. The return of the bells were upon the demand of the Filipino people. Nobody but nobody whoever claim of success to that,” anang Pangulo.
Sinabi ng Presidente na ang nagmamay-ari sa tatlong kampana ay ang mga mananampalataya ng Romano Katoliko.
Dumating sa bansa ang mga kampana noong Martes mula sa South Korea at Wyoming, United States matapos ang 117 na pananatili sa poder ng mga Amerikano.
No comments:
Post a Comment