WATCH:"BREAKING NEWS TODAY DECEMBER 06 2018"
Duterte sa mga Obispo walang silbi, patayin! all they do is criticize.
Muli na namang bumanat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo sa kanyang talumpati sa MalacaƱang kaugnay sa awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities.
Sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang mga obispo kundi ang mag-criticize kaya’t patayin na lamang ang mga ito dahil wala namang mga silbi.
Ayon sa Pangulo, naniniwala siya sa Diyos subalit hindi sa Diyos na kinikilala ng mga obispo at mga alagad ng simbahan.
Sinabi ng Presidente na hindi siya atheist, at ang posisyon niya ay ibinigay ng Diyos kaya’t kung hindi siya naniniwala sa Diyos ay hindi sana ibinigay sa kanya ang pagka-Presidente.
“Praise God pero ‘yung God ko ‘yung — God ng mga obispo mga sabay-sabay sila mga g***. I never said I do not believe in God. What I said is your God is stupid, mine has a lot of common sense. That’s what I told the bishops.
I never said I was an atheist. Well, the presidency is a God-given gift. I am sure God would not have given me the position if I was a b***s***. Magklaro tayo doon. I couldn’t have made it in life even the barest that I — before the presidency — without God.
Pero itong mga obispo ninyo, patayin ninyo, walang silbi ‘yang mga g******* ‘yan. All they do is criticize…,” anang Pangulo.
Nag-ugat ang iringan sa pagitan ng Pangulo at mga alagad ng simbahan nang sabihin nito na ang mga alay na pagkain sa misa ay ibinibinigay sa pamilya ng isang obispo, kasabay ang pagkuwestiyon ng Presidente kung saan napupunta ang donasyong nalilikom ng simbahan.
No comments:
Post a Comment